"Talambuhay ni Jamica M. Garcia"
Noong Agosto 21, 1994 ay isinilang si Jamica M. Garcia sa San Pablo City, Laguna. Bunga siya ng mabutihing mag-asawa na sina Rexie Garcia at Eugenia Manipol. Tatlo ang ibinunga ng pag-mamahalan ng mag-asawa. Ang panganay nila ay si Joann, sinundan siya ni Charisse at ang bunso nila ay si Jamica.
![]() |
ako noong baby pa ako |
Bata pa lang ako mahirap na kami, dinanas ko ang walang makain at walang pera minsan. Pero ayos lang sanay na naman ako. Noong apat na gulang na ako ay nagkaroon ako ng matinding sugat sa noo. Bigla na lang itong pumutok dahil sa pagkakaumpog sa batuhan. SAlamat sa kapitbahay namin dahil sila ang tumulong sa nanay ko para matigil ang pagdurugo ng sugat ko.
Inumpisahan kong mag-aral sa edad na pitong taon. Nag-aral ako sa Mababang Paaralan ng San Lucas II. Hindi pa ako mahilig mag-aral noon puro laro lang ang nasa isip ko. Kaya nung magrecognition day wala akong natanggap na parangal. Pero bumawi ako nung Grade II kasi naging 5th honor ako kaya nag-jollibee kami. Minsan lang naman iyon nagaganap sa isang taon kaya pinagbigyan ako ng tatay ko. Noong mag-Grade III ako lalo ko pang ginalingan ang aking pag-aaral kaya naging 4th honor naman ako.
Grade IV ako ng mapasali ako sa choir at sa football. Tuwing biyernes ang praktis ng choir at araw-araw naman ang football kaya naman pagod na pagod ako pero ayos lang sa akin. Nang mag-finals na ang laban namin sa football natalo kami kaya 2nd placer lang kami nun kaya masaya ako ng umuwi sa amin.
Pagkatapos ng laro namin, sa choir naman ako naghusay. Nagkaroon ng patimpalak at napasali ang grupo namin at sa Canossa naganap ang labanan. Noong araw ng laban namin ay handang-handa na kami. Kaya nung i-aannounce ang nanalo kabado kaming lahat at ng banggitin na kami ang panalo masaya kaming nagpunyagi at nag-party kami para sa aming pagkapanalo. Nang mag-recognition day, dun ako nalungkot dahil huwaran na lang ako. Nagalit ang nanay ko kasi inuuna ko pa raw ang paglalaro kaysa sa pag-aaral.
Nang mag Grade V ako wala na akong award. Hindi ko alam kung bakit pero siguro di talaga ako pala aral ng mga panahong iyon.Noong 2007, taon ng pagtatapos ko sa elementarya. Masaya ako dahil tapos na ang aking anim na taong paghihirap. Malungkot din dahil sa magkakahiwalay na kami ng mga kaibigan ko. Nag-iyakan kami nun at syempre kahit naiyak ay tuloy pa rin ang aming pagkanta.
![]() |
noong grade 6 ako |
Nang mag-nutrition month na nagkaroon ng patimpalak ang lahat ng 1st year tungkol sa pangkalusugan. Nanalo kami pero 2nd placer lang kami kasi champion ang I-A. Nag-celebrate kami kahit 2nd lang.
![]() |
ako noong akoy nag-sosoundtrip |
Nasa ikalawang antas ako ng magkaroon ng fieldtrip sa aming paaralan. Pinilit kong makasama dahil first time kong makakasama sa ganitong aktibidad ng paaralan. Pumunta kami sa GSIS museum, MOA at Star City. Nag-enjoy ako ng nasa star city na. Nagtungo pa pala kami sa Ocean Park. Ang dami kong natutunan at madami rin akong nakitang ibat-ibang klase ng isda. Noong nasa star city na kame, nagpunta agad kami sa mga rides. Ang saya kahit medyo nakakatakot. Huli naming nasakyan ang anchors away. Nakabili pa ako ng souvenir at zagu. Ang sama ng lasa kaya binigay ko na lang schoolmate ko. Buti hindi nasayang. Nang mag-Florante at Laura kami araw-araw kaming nagpapraktis. Ginagabi kami sa pag-uwi para manalo kami. Noong maglabanan na, 3rd lang kami pero ayos lang atleast may place kaming nakuha.
![]() |
nang mag-js kami nung 3rd year |
![]() |
kameng dalawa ng bestfriend ko |
![]() |
kaming mga JRAM at si Wilyn ning D@ts @ 14 |
Nagkaroon ulit kami ng fieldtrip kaya sumama ulit ako. Last na kasi kaya hindi ko na pinalampas. Madami akong pasalubong na nabili. Pebrero 11, 2011 ng magkaroon ulit ng JS Prom. Hindi na ako sumama kasi ayaw akong pasamahin ng aking ina. Pero nais ko sanang sumama, ayos na iyon kaysa sumuway pa ako.
Ngayon, malapit na ang aming graduation day, nalulungkot ako dahil magkakahiwalay na kami ng mga kaibigan ko. Sabi nga nila high school life ang pinakamasaya. Totoo iyon parang ayaw ko ng iwan ang pagiging high school student ko dahil sa mga bagay na nagpaiyak, nagpatawa at nagpakilig ng puso ko. Pero ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.