Sabado, Pebrero 19, 2011

Ang Buhay Ng Nag-iisang "Four Eyes" ng 4B


Ako si Gracie Lynelle C. Torres, kasalukuyang labing-anim na taong gulang. Ipinanganak noong Agosto 19,1994 sa Medikal  na ospital ng Paranaque. Panganay na anak nina Shirley Cruz Cortez at Joseph Felonia Torres.

Ako at ang aking mama at papa nung ako'y 3 buwan pa lamang..

            Tubong Paranaque ako at pinalaki ng maginhawa ang buhay. Nasundan ako ng dalawa pang mga kapatid na pawing malulusog. Sina Margaret Ann C. Torres at John Sedrick C. Torres. Manilenyang isinilang na may diperensya sa mga mata, pero ayos lang! hehe, nakakakita pa naman, palabo nga lng ng palabo. Banlag ako nung bata pa ngunit nagyon ay din a masyadong halata sapagkat maagang naagapan..

    
Ako nung ako'y 6 na taong gulang pa lamang




        
            Bata pa lamang ako nang mamulat sa away at hadwaan ng parehong panig ng aking mga magulang. Ang mama ko (Shirley C. Torres) ay mula kasi sa may kayang pamilya at nakapagtapos ng maayos sa kilalang Unibersidad sa Maynila (Women’s University) at ang aking papa (Joseph F. Torres) ay lumaki sa Pasay at mahirap lamang. Frankly, squatter siya, di nakapagtapos ng maayos na kurso sa sa kolehiyo at nasanay sa buhay kalye.

            Sakabila naman ng pa-unang mga problema na natamo ko sa murang isipasn, nakapag-aral kaming magkakapatid sa pribadong mga paaraln. Nakapapasyal pa noon ng Masaya sa Enchanted kindom, shopping sa SM, outings sa resort, tuwing bagong sahod at may free time upang gumala si mama at walang trabahong iniiintindi. Yun bang sa kabila ng hidwaan ng mga lolo at lola ng dalawang panig ng pamilya ay nagagawa pa rin nila mama na maging Masaya kaming pamilya.
Ako nung ako'y 4 na taong gulang pa kasama ang aking tiyahin sa garden namin

          Una kong namulat ang aking kaalaman sa unang paaralan kong pinasukan. Sa John Shannon Montessori ako pumasok ng Junior, Senior at Advance Casa, Gr.1 hanggang Gr.3 lamang sa kadahilanang masyado ng mabigat ang tuition fee at di na kaya pa ng sweldo ng akina mama. Kasi wala pang trabaho nun ang akina papa at si mama lang ang nakapagtapos. Noong panahon din iyon namatyan ako ng lola na tinatawag naming magpipinsan na“granny” hehe.. dahil sa diabetes, kasi “sweet tooth” ang karamihan sa mga kamag-anakan namin. Mula noon pinag-iingat na kami sa mga matatamis ni mama.



            Pinalipat ako sa St. Cyr Academy. Pribado pa rin subalit higit na mas mura. Doon ako nagpatuloy sa ika-apat na baitang. Mula sa 5 magkakaklase noong gr.3 naging 45 naman ang kakasahin ko dito! Isang panibagong simula para sa akin ang makisalamuha. Di masyadong naging memorable ang pag-aaral ko ditto sapagkat, Isang taon lamang kami dito, sa kasamaang palad kasi, humina ang negosyo namin.

            Pinagpatuloy at pinagtapos ako ng elementarya sa St. Francis Academy, pribado pa rin, ngunit pwede ang utang, kaya ‘yun. Doon na kami pinapasok ni mama, dun na rin namulat ang isipan ko ng tungkol sa realidad ng buhay. Kahit gaano pa ang ginhawang meron kami, isang iglap lang pwedeng pwede nay un mawala.

            Mula sa yugtong iyon, ng buhay ko, narealize ko din na, basta taningan ang buhay mo, lahat-lahat gagawin mo magising ka lang kinabukasan. Nagka-breast cancer noon ang tiyahin ko, pang-lima sa magkakapatid nila mama. Mula nun, pinag-ingat kami at inalagaan ng husto ni tita. Pinasay niya kami kahit na alam naming na, nahihirapan na siya. Stage 4 na kasi ang cancer niya noon at nabuhay lamang ng mahigit sa 3 taon.

            Nagkalubug-lubog din kami sa utang sa China Bank. Nakasanla din pala dun yung bahay at lupa naming, mula nung sinabi sa amin iyong tungkol sa problemang pinansyal na kinakaharap ng pamilya namin.. ang dating ako na, walang pakielam, di nahihirapan, di iniintindi ang hirap nila mama at ang walang pakielam na banlag na ito ay natutong umintindi at magtipid. Pinagpasyahan nila mama na ibenta na lamang ang lupang iyon na pinaghirapang hulugan ng lolo ko mula sa Amerika, pensyonado at umuwi rin sa Pinas dahil din a kaya pang magtrabaho, kasalukuyang naninirahan sa tiyahin ko sa BF FOMES, Paranaque kapatid na bunso ni mama na may negosyong puto-bumbong at bibingka na matagumpay at mahigit ng 2 dekadang kinikilala sa lugar na iyon.. katabi lamang na ibinebentang lupa.

            Makalipas ang dalawang taon na pag-iintay na mabenta yung property, nagkasundo, nakapagbayad ng utang sa bangko, ngunit kapos pa rin sa panggastos sapagkat walang trabaho sina mama at papa, may naimpok ngang pera ngunit katulad nga ng pakikipaglaro ng pagkakataon. Si mama lang ang college graduate, at ang papa ko naman ay walang magawa kundi mag-isip ng negosyo na inaakala niyang makakatulong sa amin. Ngunit sa lahat ng naipundar at nasimulan, wala pa ni isa doon ang nagging matagumpay.

            Sa puntong iyon, kahit papaano napagtagumpayan ko na makapagtapos ng elementarya kahit na minsang hindi nakakapasok, natuto akong magcommute at din a umasa pa sa service. Nagpakumbaba ako sa walo kong mga kaklase na  wag na makipagkompitensya sa kung ano man ang meron sila na alam kong waka ako.

            At dahil hindi na kaya pa ang nga gastusin, naghanap na kami ng matitirahan sa Laguna, kasi alam naming na mura ang tubig ditto at medyo may kamurahan ang mga pangunahing pangangailangan. Nakakita kami ng malilipatan sa Toemora Ph.3 at pinlanong ipasok na kami sa pampublikong paaralan. Ako sa Col.Laro D. Dizon Memorial National High School at ang dalawa ko naming mga kapatid ay sa San Pablo Central School pinapasok.
Present pic. ;) kinuhanan sa kwarto ko with my laptop

            Napabilang ako sa 1B dahil sag general average na meron ako, unang pasok pa lang “culture shock” na agad. Mula sa siyam na grumaduate ng elementary, 62 nung 1st yr. haha! Take note, init pa, at ang hirap makisama noon, pero unti-untidin akong nasany. Nakisama at natuto kahit sobrang dami naming. Nagging 2A ako noong sumunod na taon, kahit na dinadali ng katamaran, pinalad pa rin akong maging 3A ng sumunod pang taon. Ngunit siguro dahil na rin sa impluwensya ng barkada, cellphone, katamaran at pagkamuhi sa geometry at chemistry, balik sa 4B haha! Proud to be 4BLAZERS ako hehe..



          
taken from masterdom's comp shop sa bayan


            Kung papalarin, sana makagraduate na, sana makatulong na ‘ko sa mga magulang ko, sana makamit ko na yung gusto nila para sa akin. Sa kabila ng lahat ng kalokohan at kabaliwan na natutunan ko ngayong hayskul.Sana din a magpatuloy pa ‘to, sana maiwasan ko ang tukso at makapagkolehiyo pag kaya na        

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento