Linggo, Pebrero 20, 2011


"Talambuhay ni Jamica M. Garcia"

            Noong  Agosto  21, 1994 ay isinilang si Jamica M. Garcia sa San Pablo City, Laguna. Bunga siya ng mabutihing mag-asawa na sina Rexie Garcia at Eugenia Manipol. Tatlo ang ibinunga ng pag-mamahalan ng mag-asawa. Ang panganay nila ay si Joann, sinundan siya ni Charisse at ang bunso nila ay si Jamica.
ako noong baby pa ako
              Mula sa aking ina natutunan ko ang magandang asal, pagbabasa at pagsulat. Tinuruan din niya ako ng gawaing bahay. Noong tatlong taon pa lang ako, aksidenteng nakainom ako ng gas. Nasa ilalim iyon ng mesa at nakalagay sa baso. Hindi ko alam na gas pala iyon at hindi tubig. Dinala na lang nila ako sa ospital para ipagamot. Akala nga nila ay hindi na ako gigising. Salamat na lang sa doctor at nagising pa ako.
             Bata pa lang ako mahirap na kami, dinanas ko ang walang makain at walang pera minsan. Pero ayos lang sanay na naman ako. Noong apat na gulang na ako ay nagkaroon ako ng matinding sugat sa noo. Bigla na lang itong pumutok dahil sa pagkakaumpog sa batuhan. SAlamat sa kapitbahay namin dahil sila ang tumulong sa nanay ko para matigil ang pagdurugo ng sugat ko.
           Inumpisahan kong mag-aral sa edad na pitong taon. Nag-aral ako sa Mababang Paaralan ng San Lucas II. Hindi pa ako mahilig mag-aral noon puro laro lang ang nasa isip ko. Kaya nung magrecognition day wala akong natanggap na parangal. Pero bumawi ako nung Grade II kasi naging 5th honor ako kaya nag-jollibee kami. Minsan lang naman iyon nagaganap sa isang taon kaya pinagbigyan ako ng tatay ko. Noong mag-Grade III ako lalo ko pang ginalingan ang aking pag-aaral kaya naging 4th honor naman ako.
           Grade IV ako ng mapasali ako sa choir at sa football. Tuwing biyernes ang praktis ng choir at araw-araw naman ang football kaya naman pagod na pagod ako pero ayos lang sa akin. Nang mag-finals na ang laban namin sa football natalo kami kaya 2nd placer lang kami nun kaya masaya ako ng umuwi sa amin.
           Pagkatapos ng laro namin, sa choir naman ako naghusay. Nagkaroon ng patimpalak at napasali ang grupo namin at sa Canossa naganap ang labanan. Noong araw ng laban namin ay handang-handa na kami. Kaya nung i-aannounce ang nanalo kabado kaming lahat at ng banggitin na kami ang panalo masaya kaming nagpunyagi at nag-party kami para sa aming pagkapanalo. Nang mag-recognition day, dun ako nalungkot dahil huwaran na lang ako. Nagalit ang nanay ko kasi inuuna ko pa raw ang paglalaro kaysa sa pag-aaral.
          Nang mag Grade V ako wala na akong award. Hindi ko alam kung bakit pero siguro di talaga ako pala aral ng mga panahong iyon.Noong 2007, taon ng pagtatapos ko sa elementarya. Masaya ako dahil tapos na ang aking anim na taong paghihirap. Malungkot din dahil sa magkakahiwalay na kami ng mga kaibigan ko. Nag-iyakan kami nun at syempre kahit naiyak ay tuloy pa rin ang aming pagkanta.
noong grade 6 ako
           Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ako pumasok ng sekundarya. Nasa unang antas ako ng mawalan kami ng kuryente. Sobrang hirap dahil kandila lang ang gamit naming. Nag-gagawa ako ng assignment at project dayo pa sa kapitbahay kasi madilim sa amin. Kaya naman lumalabo na ang mata ko. Nakikiplantsa plantsa kami ng uniform sa tiyahin namin. Ang tatay ko ang nagdadala ng damit namin doon at kukuhanin na lang pagkatapos niyang mamasada ng tricycle.
            Nang mag-nutrition month na nagkaroon ng patimpalak ang lahat ng 1st year  tungkol sa  pangkalusugan. Nanalo kami pero 2nd placer lang kami kasi champion ang I-A. Nag-celebrate kami kahit 2nd lang.
ako noong akoy nag-sosoundtrip
           Sa kagustuhan kong makatulong sa amin, nagbakasyon ako sa aking tiyahin para magkapera. Tumutulong ako sa kanilang tindahan. Bakasyon namin at wala naman akong ginagawa sa amin kaya sa kanila muna ako namalagi habang wala pang pasok. Nakaipon naman ako ng pera kaya iyon na lang ang ibinili ko ng gamit naming magkapatid sa school. Masaya ako at nakatulong ako sa magulang ko.
           Nasa ikalawang antas ako ng magkaroon ng fieldtrip sa aming paaralan. Pinilit kong makasama dahil first time kong makakasama sa ganitong  aktibidad ng paaralan. Pumunta kami sa GSIS museum, MOA at Star City. Nag-enjoy ako ng nasa star city na. Nagtungo pa pala kami sa Ocean Park. Ang dami kong natutunan at madami rin akong nakitang ibat-ibang klase ng isda. Noong nasa star city na kame, nagpunta agad kami sa mga rides. Ang saya kahit medyo nakakatakot. Huli naming nasakyan ang anchors away. Nakabili pa ako ng souvenir at zagu. Ang sama ng lasa kaya binigay ko na lang schoolmate ko. Buti hindi nasayang. Nang mag-Florante at Laura kami araw-araw kaming nagpapraktis. Ginagabi kami sa pag-uwi para manalo kami. Noong maglabanan na, 3rd lang kami pero ayos lang atleast may place kaming nakuha.
nang mag-js kami nung 3rd year
kameng dalawa ng bestfriend ko
         Noong mag-3rd year na ako kami pa ring magbabarkada ang magkakasa. Tuwing may galaang nagaganap sama-sama kami. Nang magkaroon ng shindig ang aming paaralan sumali ang classmate namin sa dance contest at nanalo naman sila. Kaya nagcelebrate sila at ang iba sa kanila ay nag-inuman at inihatid ako ng special someone ko kaya ang saya-saya ko. Magtatapos na ang taon at magiging 4th year na kme. Pero di ko na sila makakasama pa dahil bumaba ang section ko. Siguro dahil na rin sa hindi ako nag-focus sa aking pag-aaral. Pebrero 13 2010 araw ng JS Prom namin syempre sumali ako. Hindi man gasinong maganda ang suot ko pero napaka-special ang araw na iyon sa akin dahil isinayaw ako ng crush ko.
kaming mga JRAM at si Wilyn ning D@ts @ 14
         Sa wakas graduating na ako kahit madami  man ang hirap na nagdaan sa buhay ko magtatapos na rin ako sa high school. Pero lalo pa yatang nahirap ang mga pagsubok na nadating sa akin pero ayos lang dahil nakakaya naman lahat. Nagkaroon muli ng contest sa amin pero 4th year student lang ang kasali mini Olympics kasi kaya kami lang ang involve. Cheerdance ang pinagtuunan naming ng pansin. Naging champion kami dahil magaling ang choreo naming. Madami pang laro ang hindi pa natatapos kami naman kahit walang maipanalong laro ayos lang. Siguro wala kaming hilig sa sports kaya hindi kami nag-focus sa laro.
       Nagkaroon ulit kami ng fieldtrip kaya sumama ulit ako. Last na kasi kaya hindi ko na pinalampas. Madami akong pasalubong na nabili. Pebrero 11, 2011 ng magkaroon ulit ng JS Prom. Hindi na ako sumama kasi ayaw akong pasamahin ng aking ina. Pero nais ko sanang sumama, ayos na iyon kaysa sumuway pa ako.
       Ngayon, malapit na ang aming graduation day, nalulungkot ako dahil magkakahiwalay na kami ng mga kaibigan ko.  Sabi nga nila high school life ang pinakamasaya. Totoo iyon parang ayaw ko ng iwan ang pagiging high school student ko dahil sa mga bagay na nagpaiyak, nagpatawa at nagpakilig ng puso ko. Pero ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.   

Sabado, Pebrero 19, 2011



Ang Talambuhay ni Katrina Lyn B. Briones


                       
                  Isang gabi, isinilang ang isang babaeng pinangalanang Katrina Lyn Bustos Briones. Nakuha daw itoh sa pangalan ng aking tita na Lynn ang pangalan. Ang petsa noong gabing iyon ay Oktubre 12, 1994. Kasalukuyang fiesta ng bayan ng Alaminos sa lugar ng aking ina. Ipinanganak daw ako sa ilalim ng hagdanan ng aking ina na si Marissa B. Briones kasama ang aking ama na si Lito V. Briones. Isinilang ako sa bahay naming sa distrito ng Cabrera sa lunsod ng San Pablo. Ako ay may nakakatandang kapatid na si Kristin Winchelsie Bustos Briones. Doon kami nanirahan ng ilang taon hanggang sa lumipat na kami sa San Benito Aminos Laguna. Nagkaroon kami ng bahay doon. Ang aking ate ay tumira sa aking lolo at lola na malapit lang doon. Kaya sa pagkakataong yun hindi kami nagkakasama ng ate ko kaya hindi kami malapit sa isa’t-isa.
"Birthday Ko nung Ako'y 4 years old"
                
                    Madami akong napagdaanag hirap at saya sa buhay ko simula pagkabata ko. Mga problema at kung anu ano pa. Ang tatay ko kasi ay maglalasing kaya naman lagi siyang lasing. Ang mahirap nito ay  nagwawala siya pag lasing. Sinasaktan niya madalas ang aking Inay at sinisira pa ang mga gamit namen sa bahay. Lagi akong naiyak noon. Naawa ksi ako sa inay ko at sa sarili ko. Ang malupit pa dun ay hindi nagtatrabaho ang tatay ko. May tricycle kami noon pero hindi siya nabyahe. Ang inay ko ang nagtatrabaho. Nagtitinda siya sa skul sa aking lola. Kaya naman ako ay pinaaalagaan sa mga lola na taga doon sa amin. Papasa-pasa ako kung kani-kanino. Minsan naggagala ako sa riles at kung san san napapapunta.

"Umabay Ako s kaSal ng Tito ko"

                       Akoý tatlong taong gulang na ay nadede pa ako dahil hindi ako nakakatulog ng hindi nadede at nanghihingutong pa ako ako hanggang ngayon.heheJ May nagaalaga sa akin noon na naninigarilyo kaya naman napaso ako sa mukha kaya bumakat ito hanggang ngayon. Nagdiwang  ako ng ikaapat na kaarawan ko ng napakasaya at memorable. Para sa akin ayun na ang pinakamasayang kaarawan ko sa buong buhay ko siguro. Madmi akong handa , nagdala pa ang tito ko ng cake na malaki para sa akin. Akoý tuwang tuwa noon. Ang dami ko ngang picture non eh. Ang dami ko ding bisita at syempre madami ding regalo.

                 
               Sumunod na mga araw ay may nangyaring di ko inaasahan. Nagaway ang aking ina at ama at nagpasyang maghiwalay. Sa pagiging maka ama ko ay sumama ako sa kanya. Lasing noon si tatay pero ginamit pa din namin yung tricycle at siya ang nagmaneho hanggang sa nabangga naming ang isang van. Nawala pa nga ang paborito kong tsinelas . Nalaman ng inay ko at mga tita at tito ko kaya dinala agad kami sa ospital at pinatingnan. Mabuti nalang at walang grabeng nangyari sa amin. Ang mga pangyayaring iyon ang hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Pinakamalungkot na nangyari yan sa buhay ko noong akoÿ bata pa. hanggang sa lumaki na ako ay ganun pa din ang sistema ng buhay naming. Hiwalay pisan ang aming mga magulang. 

"ID ko nung Ako'y Grade 6"







                    Ang aking kapatid ay hindi ko nakakasama dahil nga nasa lolo ko siya. Hanggang sa gumaraduate na ako ng elementary sa Dapdapan Elem. School. Masaya ang nagging elementary life ko. Minsan nagkakasabit ako kahit papanp. Dancer din ako ng skul namin noon at singer ng mga guro. Pumasok naman ako ng highskul sa Col. Lauro D. Dizon Memorial Natinal Highschool na dating Annex 5. Doon din pumasok ang ate ko. Simula 1st year ay ang aking ina ang nagpapaaral sa akin. Walang trabaho ang aking ama .

                 
                      Noong 1st year at naging masaya ako dahil unang taon ko sa highskul. Nagkaroon ako ng mga kaibigan. Naglalaro pa ako noon ng sipa, habulan at Chinese garter parang bata lang. Hanggang sa may nagging crush ako , kaklase ko siya, mabait, sweet at super gentleman. Diba 1st year palang kire na. haha. Inspirasyon lang naman. Lage niya kasi akong inaasar at kinukulit kaya nakikipagkulitan din ako. Sabi ko pa naman sa sarili ko ay hindi ako magboboyfriend  study hard muna. Pero hindi pala pero syempre hindi ko naman pababayaan ang pagaaral ko. Alam ko may gusto siya sa classmate naming. Palagi silang tinutukso ng mga classmate namin. Selos naman si akoJ. Pero isang araw ay nakatext ko siya. Kilig na kilig ako noon kasi katext ko siya. Hanggang sa nagtext siya na kung pwede daw manligaw. Kilig to the bones naman akoJ. Kaya oo na agad ang naisagot koJ. Hanggang sa ilang minute lang ay nagging kami na agad. HeheJ. Kire.. hindi ko tuloy natupad yung promise ko pero hindi ko namn pababayaan pagaaral ko. Magiging isa siya sa inspirasyon ko sa pagaaral. Nagkahiyaan kami noon, medyo di kami nagpapansinan sa text lang kami nag-uusap. Puppy love lang yung amin noon.nagregalo siya sa akin ng teddy bear noong unang monthsary namin. Hanggang sa nag 2nd year na kame. Sweet na kami noon sa isa”t isa nagkakaroon kami ng problema pero nalalagpasan naman naming iyon. Halos sa kanya na umikot ang buhay pag-ibig ko non hanggang ngayong graduating na kami ng highschool ngayon. Ang pangalan nga pala niya ay Kim Carlo Amante Delrosario. Buo pa yanJ.
                   Ang ate ko na ang nagpapaaral sa akin nitong akoý 3rd year at 4th year na. siya na ang bumubuhay sa amin ni inay. Hindi na nagtatrabaho si inay pinatigil na ni ate. Magdadalawang taon ng hiwalay si inay at tatay. Nagkaroon kasi ng kabet ang tatay ko at nagkaanak pa sila. Mas pinili nag aking ama yung kabit niya kaysa sa amin. Minsan pinapadalhan din namn ako ni tatay ng pambaon ko.
                 Sa highschool life ko ay nagkaroon ako ng madaming kaibigan. Una na rito si Jamaica Garcia. Siya ay nagging bestfriend ko. Hanggang sa nagkalayo kami kasi nagkaiba kami ng section. Dito ko na nakilala sina Maribel O. Belda, Gladys M. Reynaldo, Jeniffer Timbas, Geelein Fule at Charmaine Genil. Masaya kaming magkakaibigan kahit minsan nagkakaaway pero nagkakaayos din. Nagkahiwahiwalay kami dahil magkaiba ng sec. si Jenny at Geelein. Pero kahit ganun buo pa din ang samahan namin. Bhabybhezt pa din kami. Nagkaroon din ako ng kaibigan na tinatawag na tropang ipis. Itoÿ sina Trici,Khim na aking partner,Chame dn,Loren,Jenny dn at Wendy. Masayang Masaya ako dahil naging kaibigan ko silang lahat. Masaya ako sa kanilang lahat. Lagi nila akong dinadamayan. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil andyan sila lagi para sa akin.
                 

Ngayon akoÿ gagraduate na ng highschool. Mamimiss ko ang buhay ko noong akoÿ nasa highschool. At sana nagustuhan niyo ang aking munting talambuhay. Maraming salamat sa pagbabasa.





"nunG ako'y 4th year na"

 "JS namin nung 4th year ako"





 
       Talambuhay ni Raymond  V. Tuiza
Noong ako ay isang taong gulang pa lamang
                Ako si Raymond V. Tuiza, ipinanganak noong Oktubre 1, 1994. Ang aking ama ay si Rufino Castillo Tuiza, ipinanganak noong Abril 7, 1952 sa Malaking Pulo, Tanauan City, Batangas. Siya ay nag-aral sa Mabini National High School at nag kolehiyo sa Jose Rizal University. Ang aking ina ay si Zenaida Vitales Tuiza. Ipinanganak noong Abril 8, 1952 sa Barangay Balayang Victoria, Tarlac City. Natapos siya ng kursong Bachelor of Science in Commerce.  Ang aking panganay na kapatid ay si Ruzel V. Tuiza. Siya ay 23-taong gulang. Ipinanganak siya noong Marso 1, 1988 sa Lungsod ng San Pablo. Nagtapos siya ng elementary sa San Pablo Central School. Nag-aral siya ng sekondarya sa San Pablo City National High School Annex V. Nag-aral siya ng kolehiyo sa Polytechnic University of the Philippines at kumuha ng kursong Bachelor in Business Teachers Education.  Sa ngayon, siya ay nag lilingkod sa Telus International Philippines bilang Records and Correspondence Specialist. Ang ikalawang kapatid ko ay si Riza V. Tuiza,  siya ay 18-taong gulang. Pinanganak noong Nobyembre 26, 1992 sa Lungsod ng San Pablo. Nag-aral ng elemetarya sa Fule Sahagun Elementary School. Nag-aral ng sekondarya sa Col. Lauro Dizon National High School at magtatapos ng kursong Information Technology ngayong Marso sa Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo.

Mga koleksyon kong sasakyan

               
 Mahilig akong mag laro ng mga kotse-kotsehan noon. Marami akomng maliliit at makukulay na laruan. Mahilig akong gumuhit noon at magkulay. Lagi akong gumuguhit ng mga larawan na napapanood ko sa telebisyon

 
Noong ako ay nagtapos
ng kinder 

              
  Noong ako ay limang taong gulang na, nagpasya ang aking mga magulang na itala na ako para pumasok ng Kinder. Ang aking unang guro ay si Ginang Dess Piñero. Siya ay napakabait na guro. Siya angnagturo sa akin kung paano sumulat, magbilang, gumuhit at kumulay . Napakahaba ng kanyang pasensya sa mga bata. Lagi akong binibilhan ng laruan ng aking nanay kapag  mataas ang aking marka tuwing may pagsususlit. Nang matapos ako ng Kinder ay natuwa ang aking pamilya. Maari na daw akong ipatala para mag-aral ng Unang Baitang. Bago mag simula ang pasukan, ipinamili ako ng aking Ina ng mga bagong gamit. Tuwang-tuwa ako dahil binilihan niya ako ng bagong bag, lapis, kwaderno  at mga pangkulay.




Noong ako'y Boy Scout
Ang aking guro noong ako ay nasa unang baitang ay si Ginang Vivar.  Tinuruan niya kami kung paanong magbasa , sumulat at magbilang.  Nang ako ay nasa ika-dalawang baitang na, naging guro ko si Ginang Alcantara. Siya ay mabait rin sa mga bata. Marami akong  naging bagomg kaibigan noong ako ay nag-aaral na. Palagi rin kaming nglalaro sa recess at sa tanghalian pagkatapos naming kumain. Noong nasa ika-tatlong taon na, ang aking guro ay si Binibining Escolano. Noong kami aya nagkaroon ng eleksyon sa silid-aralan, napili ako ng aking mga kamag-aaral  na Pangulo. Dahil dito ay nagkaroon ako ng mas maraming responsibilidad ngunit masaya ako dahil marami akong natutunan. Marami kaming proyekto para mapaganda pa naming an gaming silid-aralan noon. Pinaghusayan ko pa ang aking pag-aaral. Nang ako ay nasa ika-apat na baitang na, si Ginang Antones naman ang aking naging guro. Nagkarron kami ng maraming aktibidad noon. Sumali ako sa Boy Scout  at doon ko naranasan mag camping. Nagkaroon ako ng hindi magandang karanasan noon.Nagakat ako ng bubuyog noon dahil hindi sinansadyang natamaan ng aking pinsan ang bahy ng bubuyog. Doon namin napag alaman na mayroon akong allery sa kagat ng mag insekto at pinayuhan kami ng doktor na maging maingat. Nang ako ay nasa ika-limang baitang na, naging guro ko si Ginang Alviar. Dahil sa pag aaral ko ng mabuti, matataas nag aking naging marka. Dahil sa hilig ko sa pag guhit, sumali ako sa isang patimpalak sa pag guhit. Napili rin ako na pinaka magaling sa pag guhit. Noong nasa ika-anim na baiting na ako, lalo akong nagsikap mag-aral . Napabilang ako sa pinaka magagaling sa aming klase. At nang ako ay magtapos ay natuwa ang aking mga magulang.
Nag bakasyon kami noon sa aking mga lolo at lola sa Malaking Pulo, Tanauan City, Batangas. Masaya din doon dahil sariwa ang hangin at maraming mga puno. Marami rin silang mga alagang hayop tulad ng manok, baboy, baka at kambing. Marami rin silang tanim na halaman tulad ng tubo, mangga, guyabano, tsiko, niyog at tubo. Palagi kaming nag lalaro ng aking mga pinsan sa bukid. Tumulong din ako mag ani ng tanim na kalabasaat mais. Nagpunta rin kami sa Pangasinan upang dalawin ang aming mga kamag-anak. Mayroon silang palaisdaan sa likod ng kanilang bahay at marami rin silang tanim na puno ng mangga. Namasyal kami sa Tundaligan. Tabing-dagat ito. Hindi kulay puti ang buhangin rito ngunit napakapino ng tekstura ng buhangin. Napakalakas ng alon at hangin doon. Namasyal rin kami sa Tarlac City  sa bahay ng aking tiyahin. Napakasaya ng bakasyon na ito.

Ako ngayong 4th year

                Nagpatala kami sa Colonel Lauro D. Dizon National High School bago mag Hunyo updang doon ako mga aral ng sekondarya. Ang iba kong kamag-aaral ay doon din nagpatala. Dahil sa sekondarya ay iba’t iba na ang guro namin sa bawat asignatura, mas marami akong nakilalang mga guro. Lahat sila ay mababait. Marami ring mga aktibidad sa paaralan. Nagsasadula kami ng mga kwento. Tulong tulong kami ng aking mga kamag-aaral sa lahat ng proyekto na makakapagpaganda sa aming silid. Noong nasa ika-dalaang taon ko sa sekondarya, mas pinagbitihan ko pa nag aking pag aaral at dahil dito ay napalipat ako ng mas mataas na seksyon. Nagkarron din kami ng field trip. Marami kaming piuntahan. Ang una naming destinasyon ay sa Fort Santiago kung saan ikinulong ang ating Pambansang Bayani. Nag punta rin kami sa Lights and Sound Museum.  Pinanood naming kung saan nagmula ang Intramuros. Ang huli naming pinuntahan ay ang Mall of Asia. Napakalaki nito. Kumain at nagkaro kami sa Time Zone ng aking mga kaibigan doon.
                Sa Kasalukuyan, ako ay magtatapos na ng ika-apat na taon sa sekondarya. Namimili na rin ako kung saang unibersidad  ako maaring pumasok. Gusto kong maging isang Inhinyero. Kumuha na ako ng pag susulit sa Polytechnic University of the Philippines.  Lalo ko pang pag bubutihan ang aking pag aaral upang maging maganda ang aking kinabukasan.











































Ang Buhay Ng Nag-iisang "Four Eyes" ng 4B


Ako si Gracie Lynelle C. Torres, kasalukuyang labing-anim na taong gulang. Ipinanganak noong Agosto 19,1994 sa Medikal  na ospital ng Paranaque. Panganay na anak nina Shirley Cruz Cortez at Joseph Felonia Torres.

Ako at ang aking mama at papa nung ako'y 3 buwan pa lamang..

            Tubong Paranaque ako at pinalaki ng maginhawa ang buhay. Nasundan ako ng dalawa pang mga kapatid na pawing malulusog. Sina Margaret Ann C. Torres at John Sedrick C. Torres. Manilenyang isinilang na may diperensya sa mga mata, pero ayos lang! hehe, nakakakita pa naman, palabo nga lng ng palabo. Banlag ako nung bata pa ngunit nagyon ay din a masyadong halata sapagkat maagang naagapan..

    
Ako nung ako'y 6 na taong gulang pa lamang




        
            Bata pa lamang ako nang mamulat sa away at hadwaan ng parehong panig ng aking mga magulang. Ang mama ko (Shirley C. Torres) ay mula kasi sa may kayang pamilya at nakapagtapos ng maayos sa kilalang Unibersidad sa Maynila (Women’s University) at ang aking papa (Joseph F. Torres) ay lumaki sa Pasay at mahirap lamang. Frankly, squatter siya, di nakapagtapos ng maayos na kurso sa sa kolehiyo at nasanay sa buhay kalye.

            Sakabila naman ng pa-unang mga problema na natamo ko sa murang isipasn, nakapag-aral kaming magkakapatid sa pribadong mga paaraln. Nakapapasyal pa noon ng Masaya sa Enchanted kindom, shopping sa SM, outings sa resort, tuwing bagong sahod at may free time upang gumala si mama at walang trabahong iniiintindi. Yun bang sa kabila ng hidwaan ng mga lolo at lola ng dalawang panig ng pamilya ay nagagawa pa rin nila mama na maging Masaya kaming pamilya.
Ako nung ako'y 4 na taong gulang pa kasama ang aking tiyahin sa garden namin

          Una kong namulat ang aking kaalaman sa unang paaralan kong pinasukan. Sa John Shannon Montessori ako pumasok ng Junior, Senior at Advance Casa, Gr.1 hanggang Gr.3 lamang sa kadahilanang masyado ng mabigat ang tuition fee at di na kaya pa ng sweldo ng akina mama. Kasi wala pang trabaho nun ang akina papa at si mama lang ang nakapagtapos. Noong panahon din iyon namatyan ako ng lola na tinatawag naming magpipinsan na“granny” hehe.. dahil sa diabetes, kasi “sweet tooth” ang karamihan sa mga kamag-anakan namin. Mula noon pinag-iingat na kami sa mga matatamis ni mama.



            Pinalipat ako sa St. Cyr Academy. Pribado pa rin subalit higit na mas mura. Doon ako nagpatuloy sa ika-apat na baitang. Mula sa 5 magkakaklase noong gr.3 naging 45 naman ang kakasahin ko dito! Isang panibagong simula para sa akin ang makisalamuha. Di masyadong naging memorable ang pag-aaral ko ditto sapagkat, Isang taon lamang kami dito, sa kasamaang palad kasi, humina ang negosyo namin.

            Pinagpatuloy at pinagtapos ako ng elementarya sa St. Francis Academy, pribado pa rin, ngunit pwede ang utang, kaya ‘yun. Doon na kami pinapasok ni mama, dun na rin namulat ang isipan ko ng tungkol sa realidad ng buhay. Kahit gaano pa ang ginhawang meron kami, isang iglap lang pwedeng pwede nay un mawala.

            Mula sa yugtong iyon, ng buhay ko, narealize ko din na, basta taningan ang buhay mo, lahat-lahat gagawin mo magising ka lang kinabukasan. Nagka-breast cancer noon ang tiyahin ko, pang-lima sa magkakapatid nila mama. Mula nun, pinag-ingat kami at inalagaan ng husto ni tita. Pinasay niya kami kahit na alam naming na, nahihirapan na siya. Stage 4 na kasi ang cancer niya noon at nabuhay lamang ng mahigit sa 3 taon.

            Nagkalubug-lubog din kami sa utang sa China Bank. Nakasanla din pala dun yung bahay at lupa naming, mula nung sinabi sa amin iyong tungkol sa problemang pinansyal na kinakaharap ng pamilya namin.. ang dating ako na, walang pakielam, di nahihirapan, di iniintindi ang hirap nila mama at ang walang pakielam na banlag na ito ay natutong umintindi at magtipid. Pinagpasyahan nila mama na ibenta na lamang ang lupang iyon na pinaghirapang hulugan ng lolo ko mula sa Amerika, pensyonado at umuwi rin sa Pinas dahil din a kaya pang magtrabaho, kasalukuyang naninirahan sa tiyahin ko sa BF FOMES, Paranaque kapatid na bunso ni mama na may negosyong puto-bumbong at bibingka na matagumpay at mahigit ng 2 dekadang kinikilala sa lugar na iyon.. katabi lamang na ibinebentang lupa.

            Makalipas ang dalawang taon na pag-iintay na mabenta yung property, nagkasundo, nakapagbayad ng utang sa bangko, ngunit kapos pa rin sa panggastos sapagkat walang trabaho sina mama at papa, may naimpok ngang pera ngunit katulad nga ng pakikipaglaro ng pagkakataon. Si mama lang ang college graduate, at ang papa ko naman ay walang magawa kundi mag-isip ng negosyo na inaakala niyang makakatulong sa amin. Ngunit sa lahat ng naipundar at nasimulan, wala pa ni isa doon ang nagging matagumpay.

            Sa puntong iyon, kahit papaano napagtagumpayan ko na makapagtapos ng elementarya kahit na minsang hindi nakakapasok, natuto akong magcommute at din a umasa pa sa service. Nagpakumbaba ako sa walo kong mga kaklase na  wag na makipagkompitensya sa kung ano man ang meron sila na alam kong waka ako.

            At dahil hindi na kaya pa ang nga gastusin, naghanap na kami ng matitirahan sa Laguna, kasi alam naming na mura ang tubig ditto at medyo may kamurahan ang mga pangunahing pangangailangan. Nakakita kami ng malilipatan sa Toemora Ph.3 at pinlanong ipasok na kami sa pampublikong paaralan. Ako sa Col.Laro D. Dizon Memorial National High School at ang dalawa ko naming mga kapatid ay sa San Pablo Central School pinapasok.
Present pic. ;) kinuhanan sa kwarto ko with my laptop

            Napabilang ako sa 1B dahil sag general average na meron ako, unang pasok pa lang “culture shock” na agad. Mula sa siyam na grumaduate ng elementary, 62 nung 1st yr. haha! Take note, init pa, at ang hirap makisama noon, pero unti-untidin akong nasany. Nakisama at natuto kahit sobrang dami naming. Nagging 2A ako noong sumunod na taon, kahit na dinadali ng katamaran, pinalad pa rin akong maging 3A ng sumunod pang taon. Ngunit siguro dahil na rin sa impluwensya ng barkada, cellphone, katamaran at pagkamuhi sa geometry at chemistry, balik sa 4B haha! Proud to be 4BLAZERS ako hehe..



          
taken from masterdom's comp shop sa bayan


            Kung papalarin, sana makagraduate na, sana makatulong na ‘ko sa mga magulang ko, sana makamit ko na yung gusto nila para sa akin. Sa kabila ng lahat ng kalokohan at kabaliwan na natutunan ko ngayong hayskul.Sana din a magpatuloy pa ‘to, sana maiwasan ko ang tukso at makapagkolehiyo pag kaya na